Do you want this in English? Click here.


PAG-HINGI NG MGA DOKUMENTO

Upang mapagsilbihan kayo ng wasto at ng pinakamahusay habang sini-sigurado na kayo ay ligtas at nasa mabuting kalagayan, ang lahat ng pag-hiling ng mga dokumento ay isasagawa ng on-line.

CERTIFICATE OF GOOD MORAL

Paraan sa pag-hiling ng Certificate of Good Moral

  • Punan ng tama at kumpleto ang Application for Certificate of Good Moral [i-click at i-download ang form dito]
  • Ipadala ang form sa [email protected] upang malaman kung ikaw ay “cleared” o hindi sa lahat ng mga opisina sa Pamantasan. Ito ay upang malaman din kung magkano ang iyong babayaran sa dokumentong iyong hinihiling.
  • Maghintay ng tugon mula sa Accounting Office. Ang tugon ay karaniwang ipinararating sa loob ng isang araw lamang. Ang liham ng pag-tugon ay may kalakip na Order of Payment. Kapag ito ay matanggap, iyong dapat punan ng tama at kumpleto, i-print, at gupitin sa apat (4) na piraso.

Paraan ng pag-babayad

  • Punan ng tama at kumpleto ang On-line Appointment Scheduling [i-click ito upang dumiretso sa application]. I-type ang araw at session na iyong pupuntahan sa pagbabayad.
  • Kunan ng larawan ang Schedule Ticket na malilikha pagkatapos punan ang On-line Appointment Scheduling.
  • Ipakita ang Schedule Ticket at Order of Payment sa kahera bago magbayad. Pinapapkiusapan ang pag-suot ng face mask upang kayo ay hindi mahawaan o makawaha ng sakit mula sa Corona 19 virus. Mangyari ring panatilihin ang akmang layo (3 metro) mula sa isa’t-isa.
  • Pagkatapos magbayad, inyong puntahan ang link na ito -> https://bit.ly/2AxB8eX upang maitala ng tama ang inyong ibinayad.
  • Tandaang hugasan ng mabuti and inyong mga kamay gamit ang sabon at tubig, pagkatapos magbayad.

Paraan sa pagkuha ng mga dokumento

Ang mga dokumento ay maaring makuha sa pamamagitan ng:

  • Pag-kuha ng personal
  • Pag-papadala sa isang courier service tulad ng Lalamove

Pagkuha ng personal

  • Ipaaalam ng opisina ng Office of Student Formation and Development sa mga studyante sa pamamagitan ng pagpapadala ng email kung ang kanilang mga hiniling na dokumento ay maari nang kunin.
  • Punan ng tama at kumpleto ang On-line Appointment Scheduling [i-click ang link na ito upang dumiretso sa application]
  • Kumpletuhin ang mga impormasyon na kailangan upang makuha ang hiniling na dokumento.
  • Kunan ng larawan sa pamamagitan ng smartphone o i-print ang Schedule Ticket na malilikha pagkatapos mapunan ang On-line Appointment Scheduling.
  • Ipakita ang Schedule Ticket sa tauhang namamahala sap ag-bibigay ng mga doukumentong hiniling.
  • Bilang pagtupad sa R.A. No. 10173 (DATA PRIVACY ACT OF 2012), ang mga kinatawan ng kukuha ng mga hiniling na dokumento ay dapat makapag-bigay ng liham ng pagpapahintulot, kasama ang orihinal na ID ng parehong studyante at kinatawan, bago makuha ang hiniling na dokumento.

Pag-papadala sa isang courier service tulad ng Lalamove

  • Pagkatapos na kumpletong maisaayos ang mga hiniling na dokumento, ang opisina ng Office of Student Formation and Development ay tatawag sa isang courier service na tulad ng Lalamove upang maipadala ang hiniling na dokumento. Siguraduhin lamang na tama ang tirahan at numero ng telepono ng pagpapadalhan ng hiniling na dokumento. Ito ay dapat na naipakita sa request form na unang napunan.
  • Ang tatanggap ang siyang magbabayad ng gastusin sa courier service.